
Isa sa mga kayamanan ng Valencia ay ang napakagandang Casaroro Falls. Marami ng naakit sa taglay na kagandahan nito kabilang na ang iba't-ibang turista at manlalakbay. Hindi man ito gaano kadali kung lakbayin dahil sa sandamakmak na mga malalaking bato na kailangan mong lampasan pero sa kabila ng lahat ng pagod na naranasan mo,lahat ng ito ay makakalimutan mo sa harap ng nakatagong paraiso na ito.
Casaroro Falls, Valencia
Sa munisipalidad ng Valencia,Negros Oriental matatagpuan ang nakatagong paraiso na tinatawag na Casaroro Falls.Ito ay 9 kilometro na pakanluran mula sa Dumaguete.Ang Casaroro Falls ay itinuturing na "most photographed waterfall" sa buong probinsya ng Negros. Kahit na napinsala ang lugar na ito dahil sa Bagyong Sendong, hindi pa rin napapawi ang taglay na kakaibang ganda ng talon na ito. Nakatago sa siwang ng bato ng matarik na bukid ng Valencia ay ang Casaroro Falls na umaagos ang tubig sa taas ng 100 na talampakan(feet) sa isang malalim at malamig na basin na ilog.
Casaroro Falls Map
Nakakapagod pero masaya
Hindi talaga madali ang paglalakbay lalo na't sa masukal na lugar ito matatagpuan.Pero kahit ganoon,umulan man o umaraw ay laban pa rin kami para makita lang ang nakamamanghang tanawin ng talon na ito.
Ang paglalakbay tungo sa Luntiang Paraiso
1. Casaroro Falls Entrance
Entrance ng Casaroro Falls
Nang nakarating na kami sa Casaroro Falls,nagmasid-masid muna kami sa magandang tanawin na nakikita namin mula sa Entrance.Ang ganda ng tanawin at sariwa pa ang hangin na iyong malalanghap. Pagkatapos naming magmasid ay nagbayad na kami ng Entrance fee na 10-20 pesos.
2. Hagdan patungo sa talon
Upang matanaw ang talon ay dapat bababa ka sa hagdan na may 350 na hakbang. Ang pagbaba patungo sa talon ay hindi gaano kahirap pero ang pag-akyat pataas ay nakakapagod. Kaya, dapat na magdala ka ng bottled water upang maibsan ang pagod.
3. Ang paglakad tungo sa valley o lambak
Sa ibaba ng mga hakbang ay makikita mo ang lambak na may malalaking bato na mas malaki pa kaysa sa mga sasakyan. Nakakapagod itong lakarin kasi maraming nakaharang na malalaking bato simula ng napinsala ng Bagyong Sendong ang lugar na ito. Madulas rin ang mga bato kaya dapat magpaa kayo kung maglakad upang hindi madulas. Dapat hindi ka nakasuot ng pantalon dahil ito'y mababasa sa paglalakad mo at mahihirapan ka ring maglakad kung nakapantalon ka.
5. Casaroro Falls